Sa isang bilateral meeting sa Singapore sa pagitan nina Mayor Joy Belmonte at Former Mayor Anne Hidalgo ng Paris, na kasalukuyang Global Ambassador ng Global Covenant of Mayors for Climate & Energy (GCoM)—ang pinakamalaking pandaigdigang alyansa ng mga lungsod at lokal na pamahalaang nagsusulong ng climate action—tinalakay nila ang mahalagang papel ng Quezon City sa pagpapalawak ng mga programa sa klima sa rehiyon.
Kabilang sa mga pangunahing napag-usapan ang pagsusulong ng Women and Climate agenda, gayundin ang kahalagahan ng gender-responsive at inclusive climate leadership sa pagharap ng mga lungsod sa lumalalang epekto ng climate change.
Bilang pagkilala sa mga inisyatiba ng Quezon City sa larangan ng environmental sustainability at good governance, inimbitahan ni Ambassador Hidalgo si Mayor Joy na manungkulan bilang isa sa mga GCoM Board, na malugod namang tinanggap ng alkalde.
Bilang parte ng GCoM Board, isusulong ng dalawang lider ang mga oportunidad upang higit pang mapalawak ang kooperasyon sa renewable energy, energy efficiency, at iba pang mga makabagong solusyon na makatutulong sa pag-accelerate ng climate action, pagpapalakas ng urban resilience, at pagsusulong ng sustainable urban development sa mga lungsod sa buong mundo.








