Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Mayor ng Zagreb na si Tomislav Tomašević—isang kilalang environmental activist at isa sa mga unang lider sa Croatia na nagsulong ng malawakang green transition sa lungsod.
Tinalakay sa bilateral meeting ang mga karanasan ng Zagreb sa waste management, climate adaptation, green transition, at climate financing. Ibinahagi ng alkalde ng Zagreb ang mga makabagong reporma ng lungsod, kabilang ang circular economy at mga programa sa municipal waste systems, na suportado ng mga international development partners tulad ng International Finance Corporation at World Bank Group.
Pinag-usapan din ang mga posibleng collaboration sa pagitan ng Quezon City at Zagreb, lalo na sa pagpapalakas ng climate-resilient urban systems at pag-scale ng mga green projects.






