Mainit na tinanggap nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang mga opisyal at kinatawan ng Provincial Government of Biliran sa pangunguna ni Vice Governor Brigido Caneja III at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Hon. Roselyn Espina-Paras, Hon. Miguel Casas, Hon. Rolando Ty, Hon. Ricardo Kho, Hon. Allan Paul Tubis, Hon. Grace Casil, Hon. Rodolfo J. Espina, Hon. Michael Lyndonn Nagusara, at Hon. Nimfa M. Villegas.
Nagsagawa ng benchmarking activity ang Biliran Provincial Government sa QC upang pag-aralan ang digitalization efforts ng pamahalaang lungsod lalo na sa proseso ng pag-apply ng business permits.
Tinalakay ni Business Permits and Licensing Department head Ms. Margie Santos ang mga naging hakbang ng QC sa pagpapatupad ng Automated Document Delivery System.
Kabilang sa good governance initiatives ng pamahalaang lungsod ang pag-automate ng mga proseso upang maiwasan ang red tape at paglaganap ng fixers.
Nakiisa sa benchmarking activity si Majority Floor Leader Doray Delarmente at Zoning Administrator Unit OIC Mr. Michael B. Velasco.