Nagsagawa ng community visit ang 20 kandidata ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa Barangay Sauyo upang bisitahin ang 40 na bata na nasa pangangalaga ng World Vision Philippines.
Nakilahok sa iba-ibang aktibidad tulad ng writing, drawing, at paggawa ng friendship bracelet ang mga kandidata. Naghandog naman ng awit at sayaw ang mga bata para sa mga panauhin.
Binisita pa nila ang Barangay Sauyo Hall kasama ang mga kinatawan ng Quezon City Government mula sa Barangay and Community Relations Department, Social Services Development Department, at Public Employment Service Office. Tinalakay nila ang mga proyekto tulad ng partnership ng Barangay Sauyo at World Vision – Project ACE na tumututok upang labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children o OSAEC.
Magkakaroon din ng Karunungan on Wheels na layuning mailapit sa mga kabataan ang mga libreng serbisyo. Dito, matuturuan sila sa pagbabasa, pagsusulat, at iba pang general knowledge tungkol sa history, science, at math.
Ginawaran naman bilang World Vision – Ambassador of Children si Bb. Bulacan Samantha Victoria Acosta.