Nagsilbing ninong si Quezon City District III Rep. Franz Pumaren sa 18 kabataang QCitizens sa libreng Binyagang Bayan ngayong araw.
Ang mga nabinyagan ay mga kabataang mula sa mga barangay ng Matandang Balara, Pansol, at San Roque, na ginanap sa San Antonio Maria Claret Parish sa pangangasiwa ni Parish Rev. Fr. Anthony Q. Carreon, CMF, katuwang si Brother Nguyen Hen Mon.