Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC, kinilala sa patuloy na suporta sa mga city jail ![]()
Malugod na tinanggap ng Quezon City Government ang Special Award mula sa BJMP-NCR bilang pagkilala sa patuloy na suporta ng lungsod sa mga city jail.
Kasabay nito, pinarangalan si JSUPT Lourvina Abrazado bilang Best City Jail Warden of the Year, habang kinilala ang Quezon City Jail Female Dormitory bilang Best City Jail of the Year sa 35th BJMP-NCR Anniversary. Tinanggap ang Special Award nina JSUPT Maria Lourdes Pacion, Jail Warden ng QC Jail Male Dormitory, at JCINSP Aubrey Gutierrez, Jail Warden ng QC Jail Female Dormitory.
Patunay ang mga pagkilalang ito sa pagtutulungan ng QC Government at BJMP-NCR para sa mas maayos na serbisyo at kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).









