Naging matiwasay ang pagboto ng mga Persons Deprived of Librerty (PDLs) ngayong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lungsod Quezon.
Sa pangunguna ng COMELEC at ng lokal na pamahalaan, nakaboto ang 59 PDLs mula sa QC Jail Female Dormitory.
Nasa 1,234 PDLs mula sa QC Jail Male Dormitory ang mga rehistradong botante, 645 na PDLs na rin ang napabalik sa kanilang mga komunidad upang makaboto. Inaasahan din ang pagboto ng 589 PDLs sa mga 9 special polling precincts sa loob ng jail facilities.