Ipinasara ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang Blazingwood Apartelle sa Barangay San Agustin dahil sa paglabag sa Quezon City Revenue Code of 1993 (City Ordinance SP-91, S-93).
Noong Mayo, nagsagawa ng entrapment at rescue operations ang PNP Women and Children Protection Center – Luzon Field Unit at social worker ng Caloocan City sa Blazingwood. Nasagip nila ang anim na menor de edad na biktima ng trafficking.
Naaresto rin ang dalawang indibidwal na lumabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (Republic Act 9208 as amended by RA 10364 and RA 7610).
Base sa QC Revenue Code, maaaring kanselahin ang business permit ng establisimyento kapag naging lugar ito ng mga ilegal na gawain.
Sa Quezon City, mahigpit na kinokondena ang pang-aabuso at pananamantala lalo na sa mga kabataan.




