Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bilang bahagi ng selebrasyon ng women’s month, nagsagawa ang lokal na pamahalaan at ang QCinema ng block screening para sa pelikulang “Sisa” ni Jun Robles Lana.
Ang Sisa, na pinagbibidahan ng beteranang aktres na si Hilda Coronel, ay tungkol sa ipinamalas na katapangan ng mga kababaihan noong Filipino-American War. Tumatalakay din ito sa isyu ng gender roles, at ang papel ng kababaihan sa paglaban sa pang-aabuso at pang-aapi.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa block screening, kasama sina QCinema Artistic Director Ed Lejano, Direk Jun Robles Lana, mga bida ng pelikula na sina Ms Hilda Coronel at Ms Jennica Garcia, mga kawani ng lokal na pamahalaan at film critics at enthusiasts.










