Alinsunod sa Proclamation No. 1021 S. 1997, idineklara bilang ‘Blood Donors Month’ ang buwan ng Hulyo taun-taon.
Kinikilala nito ang mahalagang papel ng mga blood donor na boluntaryong nagbibigay ng kanilang dugo upang makasagip ng buhay.
Layon din nitong hikayatin ang bawat indibidwal na makiisa sa pagbibigay ng dugo.