Congratulations sa Sanlahi group ng Barangay Capri na itinanghal bilang ‘pinakabonggang’ dance group sa Bongga ka Day! Dance Contest ng QC.

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang naggawad ng parangal sa Sanlahi, kasama ang mga hurado ng patimpalak na sina Jellie Aw, Mars Visda, at Joy Cancio.

Pumangalawa naman sa Sanlahi ng Bgy. Capri ang BBFC group mula sa Bgy. Bagumbuhay, habang 3rd placer naman ang Wow Dancers ng Bgy. Bagong Lipunan ng Crame.

Ang Bongga Ka Day! Dance Contest ay bahagi ng pagdiriwang ng lungsod sa Buwan ng Kababaihan. Layon nito na i-boost ang confidence ng mga kababaihang QCitizen sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang natatanging talento.