Congratulations sa QC Business Permits and Licensing Department Bakuna Beks and Girls Dance Group na itinanghal na grand winner sa Bongga ka Day! Dance Contest QC Hall Employees Edition!
Iginawad ni Mayor Joy Belmonte ang parangal, kasama ang mga hurado na sina Ms. Joy Cancio, Mars Visda, at SPARK! Philippines Exec. Director Ms. Maica Teves sa mga nagwagi.
QC Public Library Raketera Dancers ang nakakuha ng 2nd place habang nag-tie naman sa 3rd place ang City General Services Department General’s Pride at Department of Public Order and Safety at TF Task Force for Transport and Traffic Management Dancerist.
Ang Bongga Ka Day! Dance Contest ay bahagi ng pagdiriwang ng lungsod sa Buwan ng Kababaihan. Layon nito na palakasin ang kumpyansa ng mga kababaihang QCitizen sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang natatanging talento.