Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa memoir book launch ng batikang aktres at MOWELFUND Chairperson Boots Anson Roa-Rodrigo na pinamagatang “Grateful.”
Idinaos ito sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe ngayong Sabado.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang nalalapit na pagbubukas ng Pambansang Museo ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng Lokal na Pamahalaan at MOWELFUND na matatagpuan sa QCX Museum ng Quezon Memorial Circle.
Ang malilikom na pondo mula sa mga benta ng libro ay mapupunta sa MOWELFUND na layong makatulong sa mga benepisyaryong media workers.
Kasama sa launch sina Senator JV Ejercito, former Senator Nikki Coseteng, District 4 Rep. Bong Suntay, Bibeth Orteza, at Wilson Lee Flores.










