Dumalo ang Quezon City Government sa paglulunsad ng “Boses ng Masang Filipino”, isang organisasyon na binubuo environment at transportation sector, na nagsusulong ng malinis na hangin, at maging ang abot-kaya at sustainable na enerhiya upang mapigilan ang malalang epekto ng climate change.

Naging kinatawan ng Pamahalaang Lungsod sa programa si Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, kung saan ibinahagi niya ang iba-ibang proyekto ng lungsod sa climate change mitigation and adaptation at pagiging carbon-neutral na lungsod.

Pinakinggan din ni Villaroman, kasama si People’s Council of Quezon City (formerly Council of Sectoral Representatives) President Brian Lu, ang mga suggestion at proposal ng samahan upang maisaalang-alang sa pagbuo ng mga polisiya at programang pangkalikasan ng QC.