ICYMI: Idinaos kahapon sa Brgy. Laging Handa covered basketball court ang Opening Ceremony ng taunang Bowling Tournament ng Liga ng mga Barangay – Quezon City Chapter.
Layon nitong isulong ang pagkakaroon ng maayos na kalusugan at masiglang pangangatawan ng mga opisyal at empleyado ng barangay.
Nanguna sa aktibidad sina Liga President Councilor Jose Maria “Mari” M. Rodriguez, at Barangay and Community Relations Department head Mr. Ricky Corpuz.




