Inilunsad ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), NCR Quezon City Council ang kanilang Gawad Parangal (National Court of Honor 2022) sa Quirino High School, District 3.

Ang awarding ceremony ay parte ng National Scouting Month Celebration, na kumikilala sa kontribusyon ng mga adult leaders at volunteers sa kanilang serbisyo sa “scouting” at sa mga kabataan.

Nasa 200 awardees ang dumalo sa event na binubuo ng mga mga opisyal ng QC BSP, school divisions, principals, school administrators, teachers, at volunteers sa Lungsod Quezon.

Pinangunahan ito nina BSP QC Chairperson at Councilor Atty. Godofredo T. Liban II, QC SK Federation President Councilor Noe Lorenzo Dela Fuente III, former Councilor and BSP QC Vice Chairman Jorge L. Banal Sr., BM Fe Esperanza C. Pangan, BM Agnes C. Castor, at iba pang mga kawani ng BSP QC.