Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng forum tungkol sa breast cancer at mental health ang Quezon City Health Department (QCHD) at Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH) ngayong Miyerkules.
Dumalo sa pagtitipon ang mga QCitizen ng Barangay Batasan Hills, kung saan binigyan sila ng impormasyon tungkol sa sakit na breast cancer. Tinalakay din ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental health.
Naging tagapagsalita naman sa forum sina Dr. Michelle Espinar ng RMBGH at Dr. Marlon Molano ng QCHD Health Promotions Unit.










