Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong Oktubre ay ating ginugunita ang Breast Cancer Awareness Month!
Ang breast cancer ay hindi lamang usapin ng kalusugan, ito ay usapin ng pagmamahal sa sarili at sa mga taong mahal natin. Kaya ngayong buwan, paalala sa ating lahat:
Magpa-screening habang maaga
Magpakonsulta kung may napapansing sintomas o pagbabago
Suportahan ang mga kababaihan (at kalalakihan) na patuloy na lumalaban
Iparamdam ang malasakit sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon.
Kasama ninyo ang Quezon City Government sa pagtiyak na may sapat na kaalaman, suporta, at serbisyong pangkalusugan para sa mga lumalaban sa breast cancer.




