Ngayong Breastfeeding Awareness Month, sama-sama nating palakasin ang suporta sa mga breastfeeding mommies. ![]()
Sa Quezon City, patuloy na pinalalakas ang mga programang nagtataguyod ng pagpapasuso, kabilang ang breastfeeding counseling, support groups, milk-letting activities, at pagkakaroon ng breastfeeding-friendly workplaces.
Mayroon din tayong Quezon City Human Milk Bank na nangongolekta, nagpoproseso, at namamahagi ng ligtas na breast milk para sa mga sanggol na nangangailangan.
Sa mga nais mag-donate, o sa mga nangangailangan ng breast milk, maaaring makipag-ugnayan sa ating Quezon City Human Milk Bank:
Cellphone: 0960-363-6492 (8:00 AM – 5:00 PM)
Telephone: 8863-0800 local 209 (8:00 AM – 5:00 PM)
Email: humanmilkbank.qcgh@gmail.com
QC Helpline 122 – Connect to QCGH






