Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang rehabilitated Project 2 Public Market sa Barangay Quirino 2A.
Pinakinggan ng Akalde ang mga suhesyon at hinaing ng mga vendors at tiniyak niyang tutugunan ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan.
Mayroon itong 87 stalls na may fruit, meat, chicken, fish, at vegetable sections. Paleng-QR members na rin ang mga stallholders kaya madali na ang transaksyon para sa mga mamimili rito.
Kasama ni Mayor Joy na nag-inspeksyon sa palengke sina Chief of Staff Rowena Macatao, Market Development and Administration Department head P/Col Alex D.J. Alberto (Ret.), City Engineer Atty. Dale Perral, District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, at P/B Marian Garlit.