Pormal nang binuksan ang Bridging Horizons: Naval Cultural Exchange Thru Arts exhibit sa Quezon City Hall sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Doray Delarmente, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Tampok sa exhibit ang mga obra ng Philippine Navy reservist at Goodwill Ambassador for Culture and Arts na si CMO2 Kristine Ann Soguilon-Lim.
Makikita rin ang solo exhibit ni Lim na “THIS IS BETHEL” kung saan makikita ang kanyang personal sketches, letters, notes, at paintings sa gitna ng pakikibaka sa mga hamon sa kanyang mental health.
Maaari ring bilhin ang ilang authenticated giclée print ng mga obra para sa fundraising project ng Support Your Navy Foundation.
Inaanyayahan ang lahat na bisitahin ang Bridging Horizons sa QC Hall, 2nd Floor, Legislative Atrium mula September 30 – October 4, 2024.