MORE GREEN, OPEN SPACES IN QC!
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang ginagawang Buenamar Plaza sa Barangay Novaliches Proper kahapon.
Ang engrandeng plaza na ito ay split-level park na magkakaroon ng multi-purpose area, elevated park, at plaza na matatagpuan sa Quirino Highway at Buenamar Drive.
Layon ng Lungsod Quezon na maging bahagi ito ng heritage trail na magbibigay pagkilala sa kontribusyon ng Novaliches sa pag-aalsa ng Katipunan.
Maglalagay din ng 5 sculptures relief walls ang lungsod na nagpapakita ng mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng rebolusyon.
Nakahanda na ang dating obra ni Jun Vicaldo na newly refurbished Andres Bonifacio sculpture bilang centerpiece ng plaza.
Kasama ni Mayor Joy sa pag-iikot sa ginagawang plaza sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 5 Action Officer William Bawag, Parks Development and Administration Department head Ar. Red Avelino, at P/B Asuncion M. Visaya.