Sa layuning makapagbigay ng iba-ibang serbisyo para sa mga Solo Parents sa Barangay Commonwealth, inilunsad ng opisina ni Councilor Mikey Belmonte ang Buhay at Bahay: Solo Parents Caravan 2023 ngayong araw.

Nagtayo din ng mga booths ang ilang government agencies at private companies upang tumulong sa beneficiaries. Kabilang dito ang PLDT, Smart, Meralco, Maynilad, Mwell, kasama ang TESDA, Pag-Ibig Fund, Philippine Statistics Authority, QC health Department, City Civil Registry Department, at Cooperative Development Authority.

Kasabay nito ang pag turn over ng 12-in-1 Obstacles in a Box na mula sa PLDT-Smart Foundation, MVP Group of Companies, at Pilipinas Obstacle Sports Federation (POSF). Pina-plano itong dalhin sa iba-ibang lugar sa lungsod upang mapakinabangan ng mga kabataang QCitizen.

Nagkaroon din ng Memorandum of Agreement signing kasama ang Metro Pacific Health upang ilunsad ang bago nitong application na maaring magbigay ng 24/7 teleconsult para sa QCitizen, libreng fitness at nutrition programs, at marami pang iba.

Sa talumpati ni Mayor Joy Belmonte, hinimok niya ang mga solo parents na tangkilikin ang mga programa ng lungsod na handang umalalay sa kanila. Ilan rito ang education assistance para sa kanilang mga anak, social welfare assistance program, Tindahan ni Ate Joy program, at ang discounts para sa solo parents.

Dumalo rin sa programa sina Councilor Godie Liban, D2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Barangay Commonwealth P/B Manuel Co, PLDT-Smart Foundation President Ma Esther Santos, Pilipinas Obstacle Sports Federation President Atty. Alberto Agra, at Mwell Business Development head Tisha Quinitio.

+39