Bumisita ang Bunga Matahari Intercultural School (BMIS) ng Indonesia sa Quezon City bilang bahagi ng kanilang study tour at field trip.

Ang lungsod ang nag-iisang Local Government Unit na pinuntahan ng BMIS upang malaman ang mga programa ng lokal na pamahalaan para sa mamamayan.

Ikinagalak naman ng mga estudyante ang pagbabahagi ni Mayor Joy Belmonte ng mga proyektong pang-edukasyon, pabahay, pangkabuhayan, pang-kalikasan at pang-kalusugan.

Kasama ng alkalde ang Education Affairs Unit head na si Maricris Veloso sa pagtanggap sa BMIS.

+20