Isang makabuluhang pagdiriwang ng ika-122 Founding Anniversary ng Bureau of Internal Revenue!
Noong Hulyo 28, 2026, naghatid ng saya, pag-asa, at mahahalagang resources ang BIR sa pamamagitan ng isang community outreach program sa Bahay Kanlungan.
Katuwang ang Quezon City Protection Center (QCPC) sa pamumuno ni Ms. Janete R. Oviedo, ang inisyatibong ito ay nagpakita ng suporta sa mahigit 30 kliyente, kabilang ang mga bata, kababaihan, at miyembro ng LGBTQIA+ community na bumabangon mula sa gender-based violence at pang-aabuso. Humigit-kumulang 40 BIR volunteers ang personal na nagbahagi ng kanilang oras.
Habang nagaganap ang programa, nag-iwan ng makabuluhang mensahe si BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza, na nagpaalala na ang tunay na serbisyo publiko ay isang pananagutang panlipunan. Bukod dito, nagpamalas ng galing at katatagan ang mga kliyente sa pamamagitan ng isang nakaka-antig na pagtatanghal. Nagtapos ang aktibidad sa pamamahagi ng grocery items at daily essentials, sinundan ng masayang photo opportunity.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng QCPC sa BIR sa pagpili sa ating pasilidad bilang anniversary beneficiary! Sa QC, patuloy nating pinatutunayan na ang malasakit at pag-aaruga ay walang pinipili.
#BIR122#QCProtectionCenter#BahayKanlungan#SerbisyongTotoo#EndVAW#CommunityOutreach#QCGovernment










