Isang malaking karangalan para sa Quezon City Business Permits and Licensing Department (QC BPLD)!
Naigawad na sa QC BPLD ang Gold Stevie Award sa ilalim ng kategoryang Innovation in Government – Organizations with 100 or More Employees sa 2026 Asia-Pacific Stevie Awards. Personal na tinanggap ni BPLD Head Margie Mejia ang parangal.
Iginagawad ang prestihiyosong pagkilalang ito sa mga natatanging pampublikong institusyon na nagpapamalas ng makabuluhan at epektibong inobasyon sa pamamagitan ng makabago, tapat, at bukas na pamamahala.
Pormal na ipinresenta ng BPLD ang nasabing parangal kay Mayor Joy Belmonte.
Patunay ito ng patuloy na pagsusumikap ng QC BPLD na gawing mas mabilis, episyente, at mas accessible ang mga serbisyo at programa para sa bawat QCitizen.










