Nagkaroon ng benchmarking activity sa Quezon City Hall ang mga kinatawan mula sa City Government ng Butuan sa pangunguna ng Office of Councilor Marlon R. Labis bilang bahagi ng kanilang layunin na mas mapabilis at mapaayos ang digitalization ng kanilang document management systems at iba pang frontline services.
Kinatawan ni Atty. Clark Jay M. Lim si Coun. Marlon R. Labis at nakiisa rin sa benchmarking sina Ms. Mary Ann Cruz, Head ng Quezon City Information Technology and Development Department (QC ITDD), at si Atty. John S. Alferos III mula sa Office of the Secretary to the Sangguniang Panlungsod (OSSP) ng Quezon City.
Sa benchmarking session, ibinahagi ng QC ITDD ang mga best practices ng lungsod pagdating sa digital transformation, kabilang ang mga sistemang nagpapabilis ng pagproseso ng dokumento at pagpapalakas ng data management.
Nagkaroon din ng presentasyon ang QC OSSP kung saan tinalakay ang kanilang mga digital initiatives, na sinundan ng open forum at Q&A
Layon ng aktibidad na ito na magbahagi ng epektibong solusyon na maaaring magsilbing gabay sa patuloy na modernisasyon ng mga serbisyo sa Butuan.
Matapos ang mga presentasyon, nagkaroon din ng tour si Atty. Clark sa Legislative Building at sa Kilos Kyusi Store upang mas makita kung paano isinasabuhay ng Quezon City ang digitalization at innovation sa iba-ibang tanggapan.
Patuloy ang Quezon City sa pakikipagbahagian ng kaalaman at best practices sa kapwa lokal na pamahalaan para sa mas mabilis, mas maayos, at mas makabagong serbisyo publiko para sa lahat.








