Ginugunita ang buwan ng Agosto bilang “Buwan ng Wikang Pambansa”, alinsunod sa Proclamation No. 1041, s. 1997.
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon City sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya”.
Ating patuloy na pagyamanin at pagyabungin ang wika at kultura ng ating inang bayan, na itinaguyod noon pa man ng ama ng lungsod na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon.