Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”.
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pagdiriwang ng buwang ito bilang pagpupugay sa dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa, na nagtaguyod ng Filipino bilang ating pambansang wika.
Sama-sama nating pagyamanin ang ating wika dahil dito sumasalamin ang ating kultura, dangal, at pagkakaisa bilang isang bayan.
