Upang maipakita ang pagiging sustainable city ng Lungsod Quezon, inilibot ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) si C40 Cities Executive Director Mark Watts sa mga urban farm at sa Quezon Memorial Circle.

Unang pinuntahan ni Watts ang Nelia’s sari-sari store sa Brgy. Pansol na bahagi ng programang Tindahan ni Ate Joy at kasali sa pilot stores para sa “Kuha sa Tingi” program ng QC. Ipinaliwanag naman ni RIPPLEx CEO Ces Rondario ang sistema ng naturang programa na napakikinabangan ngayon ng mga residente nito.

Nagtungo rin sila sa community farms na New Greenland Community Model Farm sa Barangay Bagong Silangan at sa Sunnyville Farm sa Barangay Pasong Tamo.

Mismong si Joy of Urban Farming program head Tina Perez, Brgy. Bagong Silangan P/B Willy Cara, at mga urban farmer ang sumalubong sa kanila. Nasaksihan nila ang proseso ng pagtatanim, iba-ibang teknolohiya sa pagsasaka, mga ani, at mga produktong gawa rito.

Sumaglit din ang C40 Cities team sa Quezon Memorial Circle upang makita ang isa sa pinakamalaking open space sa Lungsod.

Sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, tanging QC lang ang miyembro ng C40 Cities sa buong bansa.

+16