Ipinakita ng Quezon City Government ang best practices ng lungsod sa pangangalaga sa kalikasan, sa mga kinatawan ng iba-ibang bansa na bahagi ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy.

Pumunta ang mga delegado sa Barangay Talipapa para sa kanilang May Buhay sa Basura Project; Quezon City University para sa kanilang Center for Urban Agriculture and Innovation; Goal: Zero Waste Management Program ng Megaworld Corporation sa Eastwood City; at sa UP AyalaLand Technohub para sa kanilang Reforestation Through Afforestation Program.

Ang site visit ay bahagi ng C40 Cities Regional Academy na nagbibigay-daan para sa mga lokal na pamahalaan na matutunan ang mga paraan ng iba-ibang siyudad sa mundo upang matiyak na epektibo, inklusibo, at makatao ang mga programa na tutugon sa panganib na dulot ng pabago-bagong klima.

+72