Mga indibidwal mula sa vulnerable sector, kabilang ang mga kababaihan, kabataan, at persons with disability, ang pinakaapektado ng climate change.
Sa Gender Dialogue na bahagi ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy, binigyang-diin nina Mayor Joy Belmonte at C40 Cities Co-Chair at Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr kung gaano kahalaga na maisaalang-alang ang pangangailangan ng bawat sektor para masigurong pantay at inklusibo ang bawat programang ipapatupad ng lokal na pamahalaan.
Sa QC, tinitiyak ng pamahalaang lungsod na napapakinggan at natutugunan ang mga kinakaharap ng mga nasa marginalized sector.
Sa Freetown, sinisiguro rin na prayoridad sa mga adbokasiya at inisyatibo ang mga kababaihan, maging ang mga kabataan at persons with disability.
Ang Gender Dialogue ay dinaluhan ng mga konsehal, department heads, Gender and Development Focal persons, at mga kinatawan mula sa iba-ibang organisasyon.