Iba-ibang best practices ng kani-kanilang siyudad ang ibinahagi ng mga kinatawan ng Quezon City, Jakarta (Indonesia), Kuala Lumpur (Malaysia), Dar es Salaam (Tanzania), Accra (Ghana), Bogota (Colombia), at Johannesburg (South Africa) sa Global Workshop ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy.
Ibinida ng Quezon City ang inclusive climate action nito na informal waste program, na nagbibigay na ng oportunidad sa pinaka nangangailangang sector, napo-protektahan pa ang kalikasan.
Ngayong taon, QC ang host ng C40 Cities SEA RA. Ito ang nagsisilbing daan para sa mga lokal na pamahalaan na matutunan ang mga paraan ng mga siyudad sa mundo upang matiyak na epektibo, inklusibo, at makatao ang mga programa na tutugon sa panganib na dulot ng pabago-bagong klima.