Sa ikatlong araw ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy, sumailalim sa mas komprehensibong workshop ang mga kinatawan mula sa Quezon City, Kuala Lumpur (Malaysia), at Jakarta (Indonesia).
Ang nasabing tatlong lungsod ay kabilang sa 15 siyudad sa buong mundo na bahagi ng Climate Action Implementation (CAI) Southeast Asia Programme ng C40 Cities, na sinusuportahan ng Urban Climate Action Programme (UCAP) ng UK Government.
Layunin ng CAI na tulungan ang mga siyudad sa SEA, Africa, at Latin America sa pagpapatupad ng mga epektibong climate action, at maisama ang mga estratehiyang ito sa kanilang urban plans.