Ibinahagi ng mga kabataang QCitizen ang kani-kanilang mga inisyatibo para sa pangangalaga sa kalikasan, sa isinagawang Youth Dialogue na bahagi ng C40 Cities Southeast Asia Regional Academy.
Ibinida ni QC SK Federation Coun. Sami Neri ang tungkulin nila sa pagsisiguro ng inclusive climate action; habang ipinakita naman nina Christian Bartina ng Batang Del Monte at Prince Soriano ng Ateneo Biological Organization ang kani-kanilang hakbang sa pagprotekta sa kalikasan.
Masayang pinakinggan nina Mayor Joy Belmonte at C40 Cities Co-Chair at Freetown Mayor Yvonne Aki-Sawyerr ang mga programa ng kabataan, at binigyang-diin ang kahalagahan ng kanilang pakikiisa sa adbokasiya para matugunan ang climate crisis.