Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa Regional Mayoral Convening ng C40 Cities para sa East, Southeast Asia, at Oceania (ESEAO) ngayong umaga.

Ipinaliwanag ni Singapore Management University Associate Professor of Urban Climate Winston Chow ang mga epekto ng climate change sa mga siyudad sa ESEAO at kung paano nila matutugunan ang mga ito.

Ibinahagi naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga programa at inisyatibo ng lokal na pamahalaan laban sa pabago-bagong klima, tulad ng pagde-deklara ng climate emergency sa QC noong 2019, pagbuo ng Enhanced Local Climate Change Action Plan (ELCCAP), at pagsusulong ng urban agriculture.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina C40 Cities Executive Director Mark Watts, C40 Regional Director of ESEAO Milag San Jose-Ballesteros, at iba pang mayor at governor ng ESEAO.

+9