Sama-samang nagtanim ang mga C40 Cities Mayors sa pangunguna ni C40 President and London Mayor Sadiq Kahn sa tree planting event na ginanap sa 360-hectare Costanera Sur Ecological Reserve sa Buenos Aires.
Kaisa ang Lungsod Quezon sa pagpapahalaga ng pagtatanim ng mga puno upang matugunan ang problemang dulot ng climate change.
Naglibot din ang C40 Cities Mayors sa Rodrigo Bueno Neigborhood kung saan itinataguyod ang socio-urban integration sa komunidad.
Pinuntahan din nila ang Creative Reuse Centre: ReMida BA Centre, isang creative re-utilization space para sa mga kabataan upang matutunan ang innovative ways sa paggamit at pag-reuse ng waste materials.
Panuorin ang video highlight dito: https://fb.watch/ggvUIJ61ps/















