Bumisita si Mayor Joy Belmonte sa lugar kung saan bumagsak ang isang billboard sa may C5-Katipunan Avenue ngayong araw.
Tuloy-tuloy ang clearing operations ng mga tanggapan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS), Traffic and Transport Management Department (TTMD), at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).
Katuwang din sa operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Meralco upang mapabilis ang ligtas na pagtatanggal ng billboard.
Kasama rin ni Mayor Joy si TTMD Head Dexter Cardenas.




