Calapan City, bumisita sa Kabahagi Center para sa benchmarking ![]()
Ngayong araw, malugod na tinanggap ng Kabahagi Center for Children with Disabilities ang delegasyon mula sa City Government of Calapan, Oriental Mindoro para sa isang benchmarking visit.
Masusing inaral ng grupo ang best practices ng programa, mula sa operations ng center hanggang sa mga pasilidad nito na layong gayahin at i-replicate sa kanilang lungsod.
Kabilang sa delegasyon sina City Education Department OIC Ms. Marvie Mañibo, City Architect Elmer Villas, City Engr. Rigor John Abutar, City Health Officer Dr. Basilis Llano, BAC Chairperson Mr. Deo Mar Francis Mauro, at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) OIC, Ms. Glenda Valerio.
Lubos na humanga ang delegasyon sa kung paano binibigyang-lakas ng Kabahagi hindi lang ang mga batang may kapansanan, kundi pati ang kanilang mga pamilya. Nasaksihan nila ito sa actual Flexicoaching Session, isa sa mga innovations ng Kabahagi, sa kanilang pagbisita.
Sa Kabahagi, katuwang ang mga magulang at caregivers sa bawat hakbang, kaya sila ay may sapat na kaalaman, skills, at suporta para matulungang lumago ang kanilang mga anak. ![]()
Maraming salamat sa pagbisita, Calapan City!










