
109th Parish Fiesta 2023 – San Pedro Bautista
February 5, 2023
Ang Pamahalaang Lungsod Quezon ay nakikiisa sa Parokya ng San Pedro Bautista sa pagdiriwang ng kapistahan ng simbahan. Ang Parish Fiesta sa February 5, 2023 ay may temang: Ika-90 Taong Pagkakatatag ng Parokya ng San Pedro Bautista: Paglingon, Paglalakbay, Pasasalamat at Pagmimisyon. Dahil dito, ang imahe ni San Pedro ay bibisita sa City Hall para sa Banal na Misa sa Enero 26, 2023 sa ganap na 12:00 ng tanghali.
Ang Basilica Minore de San Pedro Bautista ay ang pinakamatandang simbahan at ang kinikilalang pinakabanal na pook ng Lungsod Quezon dahil tumira rito ang banal na si San Pedro.
Isa rin ito sa mga ipinagmamalaking “Important Cultural Property” ng Lungsod.
You must be logged in to post a comment.