
Awit ng Debosyon – Taunang Timpalak sa Pagbasa ng Pasyon
March 23, 2026Nagbabalik sa ikalawang taon ang “Timpalak sa Pagbasa ng Pasyon” dito sa Quezon City!
Mas malawak at mas makabuluhan ang pagdiriwang ngayong taon dahil bawat distrito ay magpapadala ng kanilang kinatawan.
Ang timpalak ay bahagi ng paggunita sa panahon ng “Kuwaresma”, na nag-aalala sa buhay, sakripisyo, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Isa rin itong paraan para ipagdiwang at mapanatili ang mahalagang tradisyong Pilipino ng Pabasa, habang ipinapakita ng mga QCitizen ang kanilang talento sa pag-awit ng Pasyon.
Awit ng Debosyon: Taunang Timpalak sa Pagbasa ng Pasyon
Marso 23, 2026 (Lunes) ng 9:00 AM
Inner Lobby, High-Rise Building, Quezon City Hall
Inaanyayahan ang lahat ng QCitizens na makiisa at makisaksi sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Halina’t suportahan ang ating mga kinatawan mula sa iba-bang distrito at sama-sama nating ipagdiwang ang pananampalataya, kultura, at tradisyong Pilipino.
Magkita-kita tayo roon! ![]()
![]()
Date: March 23, 2026
Time: 9:00 a.m.
Venue: Inner Lobby, High-Rise Building, Quezon City Hall



