
BIDA ka DaBarkads: Takbo Laban sa Droga
May 17, 2026Magandang araw, QCitizens!
Ikaw ba ay naninindigan para sa isang komunidad na walang droga? Tara, makitakbo at makiisa!
Bilang selebrasyon ng 2026 International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking, aming handog ang ika-4 na BIDA ka DaBarkads: Takbo Laban sa Droga: Malusog na Pangangatawan at Matalas na Kaisipan.
Ang programang ito ay naglalayong isulong ang drug-free lifestyle sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kamalayan, paghikayat sa malusog na gawain, at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mental at pisikal na kalusugan bilang panangga laban sa paggamit ng ilegal na droga.
Kung ikaw ay 18–30 taong gulang at residente ng Quezon City, ikaw ay aming iniimbitahan na makiisa. Limitado ang slots, kaya huwag nang magpatumpik-tumpik, mag-register na!
Ito ay isang libreng fun run. Tara na at sabay-sabay nating isulong ang mas ligtas at mas malusog na komunidad!
Registration link: https://forms.gle/EVKikS8pm9q1NfU29
Date: May 17, 2026
Time: 4:00 a.m.
Venue: Boy Scout Circle, Tomas Morato.



