
DIWANG: Sagisag Kultura ng Filipinas Competition
November 22, 2024Ngayong ika-22 ng Nobyembre ay ipagdiriwang ang Pambansang Araw ng Pagtula sa Lungsod Quezon.
Bilang bahagi ng selebrasyon, isasagawa ang DIWANG: Sagisag Kultura ng Filipinas Competition kung saan magtatagisan ng galing ang mga kabataang QC sa larangan ng Balagtasan, Timpalak Kundiman, at Paligsahan sa Pagtula.
Gaganapin ang kompetisyon sa M.I.C.E. Center, Quezon City Hall mula 8:00AM hanggang 2:30PM.
Katuwang ng Quezon City Government sa aktibidad ang National Commission for Culture and the Arts, Philippine Cultural Education Program, Koro Bulakeño, Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas.
Date: November 22, 2024
Time: 8:00 a.m. to 2:30 p.m.
Venue: Quezon City Hall, MICE Center