Fire Prevention Webinar

March 29, 2022

QCitizens mahalaga ang maging maalam!

Bilang bahagi ng pagdaraos ng Fire Prevention Month isang WEBINAR ang isasagawa ng Office of the Quezon City Mayor sa pamamagitan ng Office of the BuildingOfficial – Quezon City at sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection tungkol sa Building Maintenance Fire Prevention na pinamagatang “SUNOG AY MAIIWASAN KUNG MAPAPANATILI ANG KAAYUSAN NG MGA PASILIDAD NG GUSALI”

Layon ng webinar na ito na magbigay ng impormasyon at guidelines na makakatulong sa publiko lalo na sa mga Building Administrator sa pagkilala, pag-ulat at pag-kontrol sunog sa loob ng isang gusali.

Sa mga building owners o building admin na gustong sumali sa webinar mag register lang sa :https://tinyurl.com/DBO-Fire-Prevention-2022o i-scan ang QR code na makikita sa poster.

Gaganapin ang webinar sa March 29, 2022 Martes at magsisimula ng 1:00PM.