
Free Spay and Neuter – August 2025
August 18, 2025Magandang Araw, QCitizens!
1. Maaari na kayong mag register para sa aming Free Spay and Neuter para sa buwan ng AGOSTO 2025.
2. I-click lamang ang link na makikita sa comments section o kaya naman ay i-scan ang QR Code para sa aming online registration.
3. Kumpletuhin ang mga detalye sa form gaya ng QC ID NUMBER Pangalan, Email Address, Kasalukuyang Address, Contact number gayundin ang mga impormasyon ng inyong alagang hayop tulad ng Pangalan, Kasarian, Lahi at Edad. Ihanda din ang inyong Identification Card.
4. Basahin ding mabuti ang mga paalaala sa mga magpapakapon.
5. Kapag Full slots na po for this month, hindi na po tatanggapin ang inyong online registration.
6. Kapag successful ang online registration, magpadala lamang sa FACEBOOK MESSENGER ng screenshot/photo ng Confirmation message kasama ng Full Name na ginamit sa online registration para sa schedule at mga paalala ng kapon ng inyong mga alagang aso/pusa.
PAALALA: LIMITED SLOTS lamang po at tanging lalaking pusa, babaeng pusa at lalaking aso lamang ang aming tatanggapin. HINDI muna kami TATANGGAP ng
BABAENG ASO.
Maraming salamat po!




