
Gawad Tandang Sora 2024 – Nomination Deadline
February 22, 2024“Katapatan, kasipagan, paglilingkod” – ilan lamang ito sa mga mabubuting asal na ipinamalas ng Ina ng Katipunan na si Melchora “Tandang Sora” Aquino.
Ang Lungsod Quezon ay magalak na nagpapahayag ng pagbubukas ng nominasyon para sa Gawad Tandang Sora 2024. Ito ay isang parangal na iginagawad sa mga natatanging Pilipinong kababaihan ng Lungsod Quezon, na nagpapakita ng mga mabubuting asal na kahalintulad ng mga asal ni Melchora Aquino.
Ang pag-gagawad ay magaganap sa ika -14 ng Marso ng taong ito, bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at bahagi ng selebrasyon ng ika-85 na Anibersaryo ng Lungsod Quezon.
Matatagpuan sa link sa ibaba ang mga karagdagang impormasyon ukol sa nominasyon, mga alituntunin at pamantayan patungkol dito.
Link para sa alituntunin at pamantayan: http://tinyurl.com/48bwprxy
Link para sa dokumento ng nominasyon: http://tinyurl.com/awf43x72
Magaganap ang pagsasara ng nominasyon sa ika-22 ng Pebrero 2024, sa ganap na 5:00 ng hapon.
Ito ay bukas sa publiko at pwedeng magmungkahi, sundin lamang ang mga nabanggit na alituntunin sa itaas.
Para sa katanungan at kalinawan tumawag lamang sa 8988-4242 loc. 8841-8846 o magpadala ng email as qctd@quezoncity.gov.ph .


NOMINATION DEADLINE
Date: February 22, 2024
Time: 5 PM