
Home-Based Learning
October 14, 2025Anunsyo mula sa QC Early Childhood Care and Development Unit! ![]()
Magpapatupad ng home-based learning sa lahat ng Child Development Centers (CDCs) sa Lungsod Quezon simula bukas, October 14, hanggang Biyernes, October 17, 2025.
Alinsunod ito sa direktiba ng Department of Education (DepEd) para sa lahat ng pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) na mabigyan ng panahon ang pagsasagawa ng disinfection, sanitation, at building inspection bunsod ng tumataas na kaso ng influenza-like illnesses at ang mga nangyaring lindol sa iba-ibang panig ng bansa.
Inaatasan ang Day Care Parents na kunin ang mga module sa kani-kanilang CDCs.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang post sa ibaba.
Date: October 14 to 17, 2025
Time: 9:00 a.m. to 11:00 a.m.
Venue: All Quezon City Child Development Centers



