
Hope and Home for Every Child: Adoption and Alternative Child Care Week 2025
June 11, 2025Ang “Adoption and Alternative Child Care Week” ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Hunyo alinsunod sa Republic Act 11642 o Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act.
Layunin nito na isulong ang tama at legal na pag-ampon at iba pang adbokasiya sa pagtulong sa mga batang napabayaan o inabandona upang magkaroon ng tahanan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, ang Quezon City Social Services Development Department ay magsasagawa ng orientation sa pag-aampon at pag-foster ng bata para sa mga kawani ng Pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Sa mga interesadong kawani lalo na sa mga nais mag-ampon o kaya mag foster ng bata, mag-register gamit ang QR code o bisitahin ang link na ito: https://docs.google.com/…/1FAIpQLScmCOVOcZ…/viewform…
Gaganapin ang orientation online via Google Meet sa June 11, 2025, 10:00 AM – 11:00 AM. Ipapadala lamang ang link sa mga kawani na nakapag parehistro.
Kaya halina’t makibahagi, malay mo isa ka na sa tutupad sa pangarap at karapatan ng mga bata na magkaroon ng pamilya, dahil Bawat Bata ay Mahalaga!
#AdoptionandFosterCareAwarenessweek
Date: June 11, 2025
Time: 10:00 a.m. to 11:00 a.m.
Venue: via Google Meet