
Labor Day Job Fair
May 1, 2024Get your resume ready, job seekers!
Dahil sa darating na May 1, magsasagawa ng Job Fair ang Quezon City Government sa pangunguna ng Quezon City Public Employment Service Office at ng Department of Labor and Employment – DOLE bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa.
Aabot sa 100 na kumpanya ang maghahatid ng iba-ibang local at overseas employment opportunities.
Magkakaroon din ng One-Stop-Shop para sa QCitizen ID, Philhealth, SSS, Police at NBI Clearance. Mayroon pang libreng ID photo para sa mga aplikante.
Magkita-kita tayo sa Risen Garden, Quezon City Hall sa May 1, mula 8:00AM hanggang 5:00PM.

Date: May 1, 2024
Time: 8 AM – 5 PM
Venue: Risen Garden, Quezon City Hall