
Makasaysayang Kyusi Bike Trail: Padyak Pabalik sa Kasaysayan 2024
October 27, 2024Mga ka-padyak, ihanda na ang inyong mga bisikleta!
Ngayong October 27, isasagawa ang “Makasaysayang Kyusi Bike Trail: Padyak Pabalik sa Kasaysayan” bike ride event bilang bahagi ng pagdiriwang ng 85th Foundation Anniversary ng Lungsod Quezon.
Iniimbitahan ang mga siklista na makiisa sa bike ride event na iikot sa iba-ibang heritage site sa QC.
Sa pamamagitan nito ay mas maipapakilala pa ang makulay na kasaysayan ng Lungsod Quezon.
Maaaring magparehistro sa mismong araw ng event, October 27, 4:30 AM sa Balintawak Monument.
Narito ang requirements at detalye sa pagsali:
• Ang mga kalahok ay inirerekomendang edad 16 pataas. Ang mga wala pang 18 taong gulang ay kinakailangang magpakita ng pahintulot/consent mula sa isang magulang o guardian.
• Ang mga kalahok ay dapat na nasa maayos na kalusugan at physically fit na pumadyak sa 35km bike trail.
• Magdala ng sariling tumbler. Mayroong itinalagang water stations sa iba-ibang heritage sites sa ruta.
• Makakatanggap ng libreng pagkain ang mga kalahok pagkatapos ng trail.
Tingnan ang posters para sa karagdagang impormasyon.
Date: October 27 2024
Time: 4:30 a.m.
Venue: Balintawak Monument